Karapatan Ng Mga Hayop




Ang Mga Hayop ay biyaya ng ating poong maykapal, binigyan niya tayo ng ibat-ibang karaniwang hayop sa ating mundo , upang itoy ating mahalin at alagaan ka gaya ng ating pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay. Ang mga hayop ay may kaugaliang tao ngunit ang nakakaiba lang ay hindi makapag salita, hindi nila maipahiwatig kung ano ang nais nilang iparating. Ang mga hayop ay napakalaking papel sa mundo, sa ating pang araw-araw sa ating pagkabuhayan lalo na sa mga magsasaka, dahil sa kanilang tulong marami tayong produkto ang naihahatid sa mercado o sa ating pamilihang panglungsod, marami tayong nagagawa ka gaya na lamang ng kalabaw dahil kung walang kalabaw wala tayong bigas na makakain araw-araw.


Ang mga hayop ay isa sa mga nilalang ng diyos katulad din nating mga tao. Bawat isa ay may karapatang mabuhay. Nararapat lang na bigyan ang mga hayop ng tamang pag trato at pagpapahalaga. Masasabi man na hindi sila nakakapag salita pero mayroon din silang damdamin. Malaki din ang nagiging ambag ng mga hayop sa bawat isa sa ain tulad ng pagiging bantay sa ating tahanan nagbibigay aliw at nagiging parte din sila ng atin pamilya. Kaya dapat lang itong itrato ng tama gaya ng pag trato natin sa kapwa.


Ang mga hayop ay may karapatn mabuhay sa ating lipunan dahil sila ay gawa ng ating panginoon kaya hindi sila dapat tawagin o tratohin na salot sa lipunan kasi nakakatulong sila sa atin dapat rin tulungan natin sila. 


Author: Mary Jane Agbu 

Comments

Popular Posts